maisabart

Marami pa tayong hindi nalalaman sa mundong ito...marami pang maaaring mangyari...anu kaya ang susunod?

Sunday, November 21, 2004

Surprises...

"Life is full of surprises." I agree. Panu ba naman di mo talga masasabi ang buhay. Many things happen that we don't really expect to happen.

Nung bata ka, ang saya saya ng paglalaro tapos hindi inaasahan sa kalagitnaan ng pagtakbo, pagtalon at paghahabolan, bigla ka na lang madadapa, iiyak at babangon muli. May mga kaibigan kang nakikilala, na hindi mo inaasahan na magiging kaclose mo, na sobrang laging nandyan parati sa tabi mo. Sabihin na lang natin na sabi mo noon, hindi ka makikipag-sex pero nung dumating yung point na yun, di mo na napigilan, bigla ka na lang napa-go sa point na yun. (hehe, naisip ko lang.) Ang family mo, akala mo perfect pero akalain mo nga naman biglang naghiwalay ang magulang mo. May tao kang minamahal, pero hindi ka mahal kaya hindi mo pipilitin. Pero may taong hindi mo inaasahan na mamahalin mo at patuloy mo pa din mamahalin. May taong dadating sa buhay mo magiging importante para sayo. Minsan nga, mabibigla ka na lang sa taong nagtext sa yo kasi naalala ka. Minsan bigla na lang may mawawala na mahal natin sa buhay. Hanggang sa tumatanda ka, hindi mo namamalayan, mamalayan, ang tanda mo na pla. ANg dami ng nangyayari sa buhay mo, na concern ka na sa mga bagay bagay na noon binabalewala mo lang noon na pinapahalagahan mo na ngaun.

Ang daming pumapasok sa isip ko. Ano ba talga ang buhay? parang aksidente ang mga pangyayari sa buhay mo, biglaan, di inaasahan parang surprise na binigay ng Diyos sa atin. Akala natin, wala lang. Pero mahalga ang bawat pangyayari sa buhay. Maaring mababaw para sa iba pero may sarili tayong interpretasyon ng mga bagay-bagay.

Hay, naisip ko lang. Anu kaya ang feeling i-surprise ka? Bakit ganun, ang mga kaibigan ko parating nagka2gulo sa pag-oorganize ng mga surprise party, na ako.... nakikisali din naman pero bat parang pag-ikaw na, parang walang nangyayari. Minsan ko ng naisip na bibigyan nila ako ng surprise pero di ko dinibdib kasi wala naman pla talga. SIguro, hindi lang tlga napapanahon ang surprise pag tym mo na. Bat ganun talga? Minsan, naiisip mong mababaw lang ang samahan nyo kaya ganun. Ano bang effort ang kailangan mong gawin? Minsan tuloy, naiisip mong hindi ka importante dahil sa mga ganyan. but still, what is important is the love that you gave them. Maybe it's not worthwhile for them.

But then, while i'm writing this entry, (naisip ko lang.) What is important is the things that you've done for them. THat you should never ask or think of anything in return. WHat matters most is what you've given. No matter how big or small the effort you've shown or you've done.

O d ba?! surprise ang buhay, may naisip ako sa blog na ito.

Saturday, October 23, 2004

Immunity...

Our body is so amazing that we have white blood cells to fight all the bacteria, viruses, parasites and other foreign bodies that enters our body. This WBCs have different functions for every unknown element. And takes actions on it. It produces antibodies. It also has B memory cell that remembers some of the foreign bodies so that once it re-enters, it will be recognized, acted upon, killed. Since it is already known, immunity is acquired.

FYI lang...

But then in our lives, immunity daming applications sa buhay. Pagtumatanda ka, daming pag-babago sa buhay.. at ikaw.. di mo maintindihan pero patuloy ka pa rin sa buhay mo. problema dumadating, pero hanggang sa nasanay ka, immune ka na sa problema.

Sa pag-aaral, lalo na pag-college, ang daming binabasa, daming i-mememorize, daming kailangan intindihin pero hanggang sa nakasanayan mo na sya. Nalaman mo na kung anung oras sa araw at gabi nag-pepeak ang utak mo. Dumali na ang pag-aaral mo. Alam mo na kung panu ang process at best way para maintindihan mo ang pinag-aaralan mo. ( kc di dapat memorize lang, kailangan may understanding)

At ang magulang mo, lalo na ang nanay mo, naninibago sa mga trip mo, gimik ka kasi ng gimik. Nagagalit pag-aalis, pagumuuwi ka ng late hanggang sa parang boarder ka na sa bahay mo pero hanggang sa nasanay sya sa lifestyle mo, na-immune na.

Sa inuman, sa simula, minsan lang makatikim ng alcohol ang katawan mo, hanggang sa naging once a month, pag-may party(mga social drinkers nga daw), hanggang once a week, twice a week. araw-araw. Sa simula sumusuka ka, ang bilis mo malasing pero dahil nasanay na ang katawan mo (tolerance sa alcohol), tumatagal ka na sa inuman.

Sa barkada mo, may isang taong kinakainisan ka, hanggang sa tinangap mo, inintindi mo yung taong yun kaya kahit kakaiba sya, ini-mmune mo ang sarili mo sa kanya kaya mo natanggap yung differences nya sa inyo.

Sa pag-ibig, sa simula sweet kayo, tapos mag-aaway pero pagtagal-tagal, alam mo na kung panu i-handle ang relationship nyo dahil sa dami nyo ng pinagdaanan, na-iimune ka sa mga bgay-bgay na nun mo lang natuklasan pero tumagal pa din kayo.

Sa isang organization, daming mga nangyayri, minsan biglaan ang mga problema, pero dahil matgal na kayong magkakasama, nakilala nyo na ang isa-isat. Nagkaroon na ng kanya-kanyang identity ang mga tao. Na may mga taong, nawala pero bumabalik pa din. pero dahil naalala nya yung mga taong nakaksama nya sa org na yun kahit madaming mga tsismis, immune na kyo. Balik pa din.

Daming applications d b? prang buhay. sa simula naninibago ka, ini-enjoy mo ang mga moments hanggang sa nasanay ka...naimmune ka.

At ang kasanayan na yun...at ang immunity na yun...

d mo napapansin na yun ang katotohanan...katotohanan ng nararamdaman mo sa mga bagay-bagay... katotohanan ng buhay.

It is immunity...

Wednesday, October 13, 2004

What hurts me most?


It hurts me whenever I go to school; I see your chair unoccupied knowing that I will not see you for a day. I can’t wait for the next day so I can see you.
It hurts me whenever it’s free time in school, wishing that we could be together but we are both busy with so many stuffs, projects and exams. We prioritize our studies so much that we don’t have time for each other.
It hurts me whenever I sse you checking your cell phone, typing a message. I’ m wishing that the message will be for me but it’s not.
It hurts me whenever you are with your close friends some are girls, hoping that I’m the one the one you’re talking to. You are so close with each other convincing myself they’re just friends.
It hurts me whenever I top the class, win a contest or praises are coming from different people but you’re not there to witness every achievement in my life and to make me feel that you’re proud of me.
It hurts me whenever I am nervous in every challenge I take and you’re not there to support me and tell me that you can do it.
It hurts me whenever I sing a song, you’re not there to listen to every line I sing because it is dedicated to you and that song tells what I truly feel inside, you can’t see it.
It hurts me whenever I am happy, you’re not there to laugh with me and celebrate one of my unforgettable moments in life.
It hurts me whenever I am down, helpless and lonely, I want to talk with somebody whom I can trust but I can’t find you. I’m calling you but I can’t reach you. You’re not there to comfort me and calm me.
It hurts me whenever I cry and you’re watching every teardrop that falls. You just don’t know that you’re the reason why I am crying but I can’t tell you.
It hurts me whenever you’re asking me to call you or see you, thinking that will this be the moment but then you just want to say hi and ask about my life.
It hurts me whenever I travel all alone. If only I am with you, I would be secure and safe in your arms.
It hurts me whenever I wake up each day and dream of you last night. It was a perfect dream that I just wished to dream the whole day but you’re dreaming of someone else.
It hurts me whenever you make it up to me for the long time that we’re not together. I’m also one of your best friends but then you’re treating me different and special.
It hurts me whenever you hold my hand. I feel something but then a question is hanging on my mind “what does this mean?”
It hurts me whenever you look at my eye and I look back at you. There’s a spark in our eyes, thinking “does he feel the same way?”
It hurts me when you say take care because you’re showing me how much you really care for me.
It hurts me whenever you say goodbye, I don’t know when I will see you again or when we’ll be together again.
It hurts me whenever you’re so sweet to me, tempting myself to ask you are we just friends but I don’t want it coming from me.
It hurts me whenever you’re trying to say what you feel but you’re being hesitant to say it because you’re afraid that things might change.
But what hurts me most whenever you’re waiting, I don’t want to lose your patience because I know the feeling of waiting, waiting for you to love me. I’ll never stop, I’m always waiting.

Tuesday, October 12, 2004

Mahalaga kayo sa buhay ko...

Sa dami na ng mga pinagdaanan ko sa buhay ko, masasabi kong bawat taong nakilala ko ay mahalaga. Dahil sa bawat taong nakilala ko, may mga natutunan ako, may nalalaman at may pagkakaibigang nabubuo. Marahil iba ibang level ang bawat tao sa ating buhay merong kapuso, merong kapamilya at merong kabarkada.

Sa simula, meron mga taong kinaiinisan natin pero pagdaan ng panahon hindi mo alam sya na yung pinakamatalik mong kaibigan. Meron namang casual lang kayong nagkakilala pero tuwing nagkikita kayo parang ang tagal nyo nang konektado sa isa't isa. Meron namang taong pang text away lang. Meron din namang taong pagkausap mo sa fone, okay kausap pero parkaharap mo na prang wala kang kausap. Iba-ibang klase ng tao.

DAming problema nating na-eencounter pero sinasabi nating pagsubok lamang ito. May mga taong itinatago ang problema, meron namang naglilifeline, 50-50, kung anu- anu pa. Ang daming options, pero naisip mo ba panu na kung pagtulog mo, forever tulog ka na.

Minsan akala natin kamatayan na, pero sa tingin nyo ba dpat na talga? Ako sa totoo lang, everytime i sleep at night na sobrang down na down na ako. I pray to the Lord na, "Lord, I'm ready." pray and pray pero nagugulat na lagn ako pagkagising ko buhay pa ako. Bait talga nya.
Ang sarap mabuhay mga chong, maswerte tayo dahil habang bata pa lang tayo na-enjoy na natin ang buhay. Kahit sobrang hirap mag-aral, nakakagimik pa din tayo. Kahit sobrgan badtrip sa bahay, meron ka pang 2nd family na alam mong tanggap ka kahit sino ka pa man.

Kaya para sa mga kapuso, kapamilya at kabarkada ko, mahalaga kayo dahil kayo ang nagsisilbing lakas ko pagdown na down na ako. Pnapaligaya nyo ako kung ako'y nalulumbay. Kayo lang ang nakakararamdam kung meron man akong malalim na iniisip o meron man akong problema, inom natin yan mga chong. At alam kong andito lang tayong laht para sa isa't isa. Lasing man o hindi. Nasa highway man o wala. Nasa town man o kung saan.

Ewan ko ba basta alam ko mahalaga kayo sa buhay ang hirap i-explain kasi di talga ma-express yung feeling pagnakakasama ko kayo. Nakaka-adik! Ipinagmamalaki ko kayo dahil nakilala ko kayo sa mundong ito and you all have a special place in my heart. WAlang stir to. Pawang katotohanan lamang. Namiss ko lang kayo. Mahalaga kayo sa buhay ko.

Thursday, October 07, 2004

Piano na? eh...

Mai-share ko lang sa inyo, ang aking mundo ng musika. Bata pa lang ako, exposed na ako sa music, panu ba naman, kinder pa lang ko, sinasama na ako ng mga kapatid ko sa bahay ng piano teacher nila. Musmos pa lamang ako nun, abcd lang yata ang alam kong kantahin at ibang mga nusery rhymes. Classical pa ang tinutugtog nila nun, nakikigulo na ako sa kanila hanggang sa nagiba sila ng teacher, natuto na din sila ng mga kantang maririnig sa radio. Nakakarelate na din ako.
Nung grade 1 ako, nagstart na din ako ng mag-piano, Kahit old mc-donald lang tuwang tuwa na ako, matugtog ko lang. Chopsticks, Happy birthday, at lalo na ang blue moon na sikat sa lahat. Ayyy, mas sikat pla ang chopsticks. Marahil yung iba sa inyo alam din itong mga kantang ito.
Pero hindi nyo alam ang mga unang kantang kinanta ko, (syempre kanta nga eh) ay Love will lead you back at Iisa Pa lamang (d nyo alam yun) Dun nagsimula ang aking pagkanta. Patuloy pa din ang pag-piano pero mas concentrated sa kanta kasi di ko na-enjoy ang ilang taon kong pag-pipiano. Eh panu ba naman, makakanta mo ba naman yung chopsticks(ten,ten, ten, ten, ten, ten,) puro ganun lang yun. Alangan naman, sabayan ko ng kanta yun mga Bach at Beethoven songs. Hellurr?! Eh di fi-neel ko na lang ang bawat piece na tinutugtog ko… dahil yun lang ang paraan ko pra ma-perfect ang bawat piece na tugtugin ko. Nagsawa din ako sa pag-piano dahil puro classical lang naman ang tinuturo sa akin. Pero ngaun nagsi-sisi na ako, dahil sana noon pa lang, dinibdib ko na yung pagtugtog ko. Although, medyo marunong, pero hindi ganun kagaling, pero kung noon pa lang talga. Sayang talaga.
Pero naisip ko lang, kung hindi ko inaksaya ang pagkakataong yun, eh di sana kaya kong tugtugin ang lhat ng kinakanta ko. Eh di sana lhat ng i-request ng mga tao sa akin, kaya ko. Sayang talga. Nasa huli talaga ang pagsisisisi. Marami-rami na din pala akong nasayang na pagkakaton.
Pero naisip ko lang ulit, hindi talga pwedeng alam mo lahat kasi panu na lang kung marunong akong tumugtog ng mga kantang gusto ko eh di hindi na ako mag-hahanap ng tulong sa ibang tao. Eh kaya nga tayo ginawa ng diyos para magtulungan dahil hindi lahat kaya nating pasanin sa mundong ito. Panu magkakaroon ng komunikasyon ang bawat isa sa tin kung lhat meron tayo at kung lhat alam natin.
Naisip ko ulit, bakit may mga taong sinsabing wala silang talent. Sinasabing, itatago na lang pero hindi dapat. Kahit anu pa man ang talent nyo, ilabas nyo dahil kpag itinago nyo lang, panu mo maiimprove kung hindi mo malalaman ang komento ng tao sayo. Hindi mo ba alam na lahat tayo ay may kanya-kanyang talento. Imposibleng wala kahit isa.
D ba talent na yung, paghuhugas ng madaming pinggan, pagbubuhat ng mabibigat na bags, pagscrape ng candles at ang pagmemorize ng kanta kahit wla sa tono. At marami namang ibang talent na pwede nyo karireerin. Pagkain ng apoy, pagtawid sa lubid, paginom na madming alak hanggang sa malasing, paglalaftrip. Eto na lang ah, talent na din yung pag-gawa ng blog di b?
Sa araw araw na ginawa ng Dyos, sino ba naman ang makakapgisip ng mga bagay bgay na pinagsusulat nyo dito sa blog. Kahit anung bagay basta, kinakareer, talent na yon. Kaya sa mga bloggers, keep up the good work. Kanya-kanyang pananaw sa buhay.

Us@p@ng M@LUFET!!!

ryangoan823: ahahaha..taena gusto ko magsulat..
ryangoan823: d pako masyado mainspire..
ryangoan823: aprang gusto ko magsulat sa pagibig..
ryangoan823: i mean ung 2ngkol sa pagibig..
bart : sulat mo lang kung anu nararamdaman mo
bart : sigaw ng damdamin
bart : wag ka ng magdhilan ng kung anu pa man
ryangoan823: ayos yan ah..
bart : di mo maiisip yan kung hindi mo nararamdaman
ryangoan823: "SIGAW NG DAMDAMIN"
bart : PUCHA!!!
bart : i got carried away
ryangoan823: ahahaha
ryangoan823: ayos ka talaga..
ryangoan823: SIGAW NG DAMDAMIN...IKAW! alam mo na kung sino ka...kelangan kita..duamting man sa punto na akoy namroblema...nais kong pasalamatan..sa pagpapadama mo sa akin ng pag ibig na walang kapantay,,ikaw lang ang nakapagbigay....oh kc...ahhahhaha
ryangoan823: ala lang..
ryangoan823: ayos ba??
ryangoan823: ngyn lang yan..
bart : carried away ka din?
ryangoan823: mejo...
bart : pero hindi din
bart : PUSO!
ryangoan823: lumalabas na anamn ang aking pagka blogger...
ryangoan823: ahhahahah
bart : SIGE GAMITIN MO YAN.
bart : SIGAW NG DAMDAMIN
ryangoan823: pero d pa ako satisfied..
ryangoan823: konte pa..
ryangoan823: konting seryoso pa..
ryangoan823: pano na???
ryangoan823: ahahaa
bart : d pa ako satisfied...
bart : bbakit ang tao di nasasatisfy?....
bart : bbakit ang di ka nasasatisfy?....
ryangoan823: kase ang we have unlimited wants...
bart : tama....
ryangoan823: according to philo101..
bart : at may bgay bgay...
bart : na hinahanap mo
bart : kahit alam mong nasa iyo na, hawak mo na
bart : di ka pa din nasasatisfy
ryangoan823: may mga bagay naman na nasa kamay na naten pero d naten napapansin....
ryangoan823: o kaya naman we just take it for granted..
bart : dhil ayaw mong mawala sa'yo kung ano yunn na sayo na
bart : kahit andyan na...pilit mo pa ding hinahanp
bart : dahil namimiss mo
ryangoan823: TAMA!
ryangoan823: pero kelangan may marunong tyong tumanggap kung anuman ang ibinigay sa atin..
ryangoan823: kase mamaya baka ito na alng ang pinakaimportante sa buhay nten.mawala pa..sayang naman diba??
bart : tama ka dyan
ryangoan823: haaaay nako..buhay..
ryangoan823: pero ngayn maligaya ako..
ryangoan823: alam mo kung bakit?
bart : kunwari hindi ko alam
bart : HINDI!!!
bart : BAKET?
ryangoan823: ahahaha
ryangoan823: kase may bagay na nde ko inaasahan na dumating pero nangyari....
ryangoan823: dumating sa buhay ko si KC....
ryangoan823: alam mo...
bart : ano?
ryangoan823: sobrang natutuwa ang puso ko kase may taong katulad nya na nagmamahal sakin...
ryangoan823: parang imposible talagang mangyari..
bart : kakaiyak...
ryangoan823: pero...nangyari..
bart : at ganun din naman sya sayo eh
ryangoan823: at salamat dahil nangyari..
bart : accidents really do happen in our lives
ryangoan823: may mga bagay na nawala...
ryangoan823: pero atleast may duamting..
ryangoan823: at sya na un..
ryangoan823: haaaaaaay...
bart : accidents really do happen in our lives
bart : or lets not call it accident..
bart : biglaan
bart : akalang mong wala pero dumating
bart : impromptu pero perfect
ryangoan823: biglaan...in a sense na d mo akse inaasahan..bagay na dumarating ng d mo namamalayan..impossible,parang sa sine lang nagaganap,pero nde pala..nde rin sya panaginip...kundi pawang katotohanan..at salamat at ako'y buhay apra aking masaksihan..ang magandang bagay na inalaan sa akin ng poong may-kapal...
bart : GOks, where are you?
ryangoan823: bakit naman???
ryangoan823: ahhahah
ryangoan823: m here...
bart : kaw ba yan?
bart : gcng gcng
ryangoan823: oo naman..
ryangoan823: bakit?
ryangoan823: si goks toh..
ryangoan823: goks aka goksmeister the blogger...
ryangoan823: ahahah
ryangoan823: sige lang..usap pa tyo...
ryangoan823: enjoy naman dba?
ryangoan823: ahahahha
bart : goks aka goksmeister, the blogger, the addict, the love of kv
ryangoan823: kv?
ryangoan823: ahgaha
ryangoan823: baka kc...
bart : kc pla
ryangoan823: UHUH!
bart : eh sori na
ryangoan823: kaw may gusto ka ba sabihin??
ryangoan823: labas molang yan!
ryangoan823: ipopost ko toh sa blogsite ko...
ryangoan823: usapang malupet!
bart : May iniisip akong mga pagkakataon sa buhay ko na nasayang
ryangoan823: go!
ryangoan823: share molang...
bart : pero hindi ko lang maintindihan kung dpat ba talga syang sabihing syang or sana pla
ryangoan823: feel free to say anything...this is a free country u kon?
bart : dahil sa buhay pla natin, hindi mo maintindihan ang bagay hanggat hindi mo nalalagpasan
ryangoan823: tama ka jan..pero may mga bagay na sadyang naiintindihan lang din naten...
ryangoan823: un ung mga praktikal na bagay..
ryangoan823: may mga bagay din na kelangan pang ulit ulitin para lang maintindihan natin..
ryangoan823: may mga bagay naman na d talaga natin maintindihan...
bart : dhil ang buhay natin madaming limitasyon
ryangoan823: oo tama ka jan kapatid...
bart : at sa sobrang dami na nya, dinadagdagan pa na kaisipan ng tao
ryangoan823: pero..tunay ngang masarap mabuhay..
ryangoan823: napakaswerte naten dahil tyo ay humihinga..
ryangoan823: sa buahy kase..ating nararamdaman..
ryangoan823: lungkot man o tuwa...
bart : sa buhay kase...nararamdaman natin ang uhaw ng pagibig
ryangoan823: ang importante..tayo'y BUHAY! we feel... we love...
bart : at pag kapawi ng uhaw, masasabi mong masarap mabuhay... prang ganito
bart : pero naisip mo ba na bakit kelangan makadama ng pagibig bago mo masabing msarap mabuhay
ryangoan823: un nga ang masarap..mag hirap....
ryangoan823: parang sa sex..
ryangoan823: masakit pero masarap...
ryangoan823: pero minsan wag mo pilitin kase baka dumugo....
ryangoan823: ahahaha
bart : haha...
ryangoan823: pero tama naman ako diba???
bart : masakit pero masarap...
ryangoan823: ang buhay parang sex..
ryangoan823: minsan nasa taas ka..minsan nasa baba ka..
ryangoan823: may mga bagay na d para sayo kaya "WAG MONG PILITIN BAKA DUMUGO!"
bart : TAMA KA DYAN...
ryangoan823: maymga bagay naman na kelangan mong paghirapan...
ryangoan823: kaya "MASAKIT PERO MASARAP!"
ryangoan823: may mga bagay naman na d na dapat mangyari..dapat ng pigilan..kaya "TAMA NA HUNNEY! TAMA NA!"bart : ang buhay may mga limitasyon..."WAG MONG PILITIN BAKA DUMUGO!""TAMA NA HUNNEY! TAMA NA!"
ryangoan823: may mga bagay naman na sobrang saya kapag nangyari kaya "OH! GOD!"
ryangoan823: ahahaha
ryangoan823: ganyan anag buhay parang sex....
ryangoan823: ahahahaha
ryangoan823: dats ol..tenk ya..
bart : haha...
ryangoan823: ayos ba?
bart : ayos nga eh
ryangoan823: so ano post ko na toh?
ryangoan823: o usap pa tyo...
ryangoan823: may gusto ka pa bang pag usapan????
bart : WE have options and choices then we decide kaya may nasa taas at may nasa baba...
ryangoan823: TAMA!
bart : at ang buhay nasa pagdadala, prang sex
bart : depende kung panu mo dadalhin sa point na yun
ryangoan823: ahaha..tama ka jan..gets ko....
ryangoan823: diskarteng marino....ahahahah
bart : ahahaha
ryangoan823: santong paspasan....
ryangoan823: kanya kanyang diskarte...
ryangoan823: ahahaha
bart : kanya-kanyang style din
ryangoan823: tama...
bart : dahil ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang trademark
bart : haha
ryangoan823: may style an nakaharap...kung san hinaharap mo lahat ng bagay..
ryangoan823: may nakataliko..kung san takot kang harapin ang katotohanan..
ryangoan823: may nakadapa...parang tinulugan mo na lang ang problema....
ryangoan823: mayn paikot-ikot..ala naman pupuntahan...
ryangoan823: meron ding pruo palabok..parang foreplay..ala namang resulta...
ryangoan823: haaaaay..
ryangoan823: buhay...parang sex...
ryangoan823: ahahahah
bart : haha, may nakalimutan ka
bart : panu pagnakaupo?
ryangoan823: ano?
ryangoan823: pag nakaupo..parang pinagdedesiyonan mo mabuti....kase "lets sit and talk a while..."
ryangoan823: ayos ba?
bart : ayos!!!
bart : pareho tayo ng naiisip na reason.ryangoan823: APIR!ryangoan823: BERIGUD jabjabjab!ryangoan823: ahahahah
bart : ISANG PADYAK PA!!!
ryangoan823: *uuuuuummmmm!
ryangoan823: ahahahah
ryangoan823: lokohan na toh...
ryangoan823: post ko na toh..
bart : go go go
ryangoan823: masyado ng mahaba...
ryangoan823: ahaha
ryangoan823: post mo din sayo...
ryangoan823: go go go!
ryangoan823: *APIR!
bart : game!!bart : APIR!!!
ryangoan823: UHUH UHUH DO IT!

Oh d ba? sabi sa inyo, saya mabuhay. Usapang malupet. Kung saan saan na nakarating pero makes sense pa din. Kung saan man kayo dalhin ng isipan at damdamin isipin nyo na lang na ang buhay ay parang sex. haha, sya!!! Maaaring ang iba ay isipin na pinagplanuhan ito, pero hindi ito'y pawang naisip lang tlga namin at napagusapan. Dala lang ng lungkot at lumbay, at may saya din. Komedyang seryoso ito.

Monday, October 04, 2004

Mini..mini..my..nimou…

Hay naku, uso na naman ang mga exams ngaun!

Tinitignan mo pa lang, iniisip mo pa lang kung gaanu kadami ang pag-aaralan mo, aakalin mong hindi mo ito matatapos pag-aralan pero pipilitin mo… kailangan eh. Dumating na nga sa point na hindi mo malaman kung saan ka magsisimula. Kahit na nagkakaroon ka na ng information overload (totoo nga ba ito?)..tuloy pa din.
Nagsisimula ka na(naglilipat ng pahina ng mga libro)… pero ang daming pumapasok sa isip mo, ang daming bumabagab na mga bagay-bagay(TV, internet, gimik, etc) pero patuloy ka pa din…kailangan eh.

Kung anu- anong paraan na ang ginawa mo, kung anu-anong pampagsing na inumin at aktibidades na ang ginawa mo para lang marelaks, maibalik ang momentum mo, maipasok sa kukote mo yung pinag-aaralan mo.
Alam mo namang hindi masyadong pumapasok ang pinag-aaralan mo pero tuloy ka pa din sa pagbabasa…pilit mo pa ding iniintindi ang bawat salitang iyong dinadaanan dahil iniisip mo pag-nakakita ka ng tanung tungkol sa topic na iyon, at least may ideya ka, may alam ka, tapos iisa-isahin mo ang bawat choices na nakalagay sa tanong na iyon.

CHOOSE THE BEST ANSWER. yan madalas nating makita sa mga test questionnaire.
Nag-aral ka, alam mo sa sariling mong nag-aral ka pero bakit ganun? Prang hindi ka nag-aral. Yung mga nabasa mo, walang lumabas. May lumabas man na tanong, mangilan-ngilan lang. Eto na…may tanong…may nabasa ka tungkol dito, hinihimay mo ang bawat choices sa tanung na yun. Dinisregard mo yung akalang mong hindi dapat. Pinag-isipan mong mabuti, inanalyze mong mabuti… pero bakit mali pa din. May tsinambahan ka din naman kahit papaano.

Eto ulit…. may tanong ulit… wala ka na talagang maisagot… no choice=MAG-MINIMINIMY..NIMOU ka na lang. Malay mo tama! Kaysa naman pinagukulan mo ng pansin ang tanong na iyon, na naubos na ang lakas mo sa mga tanong na hindi mo alam, at naubos ang oras mo sa tanong na yun. Malay mo tama! Kung mali man ang sagot mo, no regrets…dahil may iba pa namang tanong na kaya mong sagutin. At least di nag-aksaya ng effort, natuwa ka pa.

Aminin nating lahat na uso talga yang Mini..mini..mynimou…Bata pa lang tayo, nauso yan, sa paglalaro kung sino ang magiging taya…Lalo na sa exams, grade school pa lang tayo, ginagawa na natin yan. Minsan, hindi effective pero at least nakapag-enjoy sa sandaling napepressure ka sa malupet mong exam. Hanggang ngaon dala pa din natin ang larong ito.

Ang saya saya talga ng buhay, lagi nating iniisip na parang laro lang ito? Pero hindi, pero ang mahalaga, nag-enjoy ka. Enjoyin natin ang buhay natin kahit sa mga simpleng bagay lamang. Oh eto MINI..MINI..MY..NIMOU TAyo. Minsan nga kung saang sagot mahulog ang ballpen natin, yun na ang sinasagot natin…at least pag- MINI..MINI..MYNIMOU. Nabasa mo pa lahat ng choices.

Sunday, October 03, 2004

Why is important to say what you feel?

When you are planning to do something, you tell it to yourself, to your friends what you want to do with your life. You announce it to everyone even though you don’t know if he or she is really concerned to your life. We ask for opinions…opinions that make us think… if we should really continue our plans and make it to the highest mountain. But even if, we listen to their different point of views the decision is still in our hearts. You learn, think and realize.

When we have problems, we thought that it is better if we keep it to ourselves. But I’ve been there, I thought that it is better that I don’t say to anybody even to my closest friend, even to my parents. But then, the feeling of comfort when they help you is really good. When you know that you have a shoulder to cry on, when you know that you have a friend to cling on to, when they help you with their problems, when they share also their experiences and learn something from it.

When we had a fight with our parents, some of us have tried to answer at our loudest voice because we are really affected with what they’re saying…that we also want to release our emotions and let them feel that we are affected with what is going on. Hypocrites are the people that will say that they have never ever said something that would hurt their parents but then if you have said it already, it would allow them to think and realize that my child is already a grown up...that she knows how to speak and fight for what she knows that is right (eventhough it is hard to understand for them).

When we have misunderstandings with our friends, it is important to say it to them so that both of you would know what you have done wrong and make some adjustments. Open forum…tell what you feel inside. And a true friend would accept each other’s opinion and act as if nothing happened in the past. Live life again and it’s a test of friendship…that we must accept our differences, our own mistakes.

When it comes to love, it’s not enough that you show it to the person you love because questions will be left in our minds. It's like a case in the court that what you say is really important. It's like a key to the heart that once you hear it...it will beat faster. It's like an air that would allow you to breathe. If you say that you love a person, then it is an accomplishment. No matter what would the consequence be.

It is really important that you say what you feel inside. No matter what would it be, no matter how you say it. The important thing here is you said it because each and everyone of us has a place to live in this world. No matter who you are in this world, we are all created by God. If you keep it to yourself, will you just let it burst inside. We are all here for a purpose. We have people around to help us and feel that we are important.

But if you don't want to tell anybody, pray to the Lord. He will always listen. Tell him everything at least you know that nobody knows it but why is it that some of us are afraid to tell what we feel inside?